1.28.2007

Hawak Kamay (Yeng Constantino)




Minsan madarama mo kay bigat ng problema

Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”

Tumingin ka lang sa langit

Baka sakaling may masumpungan

Di kaya ako’y tawagin

Malalaman mong kahit kailan....


Hawak-kamay

Di kita iiwan sa paglakbay

Dito sa mundong walang katiyakan

Hawak-kamay

Di kita bibitawan sa paglalakbay

Sa mundo ng kawalan.


Minsan madarama mo

Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa

At ang agos ng problema’y tinatangay ka

Tumingin ka lang sa langit

Baka sakaling may masumpungan

Di kaya ako’y tawagin

Malalaman mong kahit kailan....


Hawak-kamay

Di kita iiwan sa paglakbay

Dito sa mundong walang katiyakan

Hawak-kamay

Di kita bibitawan sa paglalakbay

Sa mundo ng kawalan.


Wag mong sabihin nag-iisa ka

Laging isipin meron kang kasama

Narito ako oh, narito ako....


Hawak-kamay

Di kita iiwan sa paglakbay

Dito sa mundong walang katiyakan

Hawak-kamay

Di kita bibitawan sa paglalakbay

Sa mundo ng kawalan
Sa mundo ng kawalan


Hawak-kamay, Hawak-kamay

Sa mundo ng kawalan....
para sa aking mahal....